Donny niligawan si Kathryn?

ISINIWALAT ng showbiz insider na si Ogie Diaz na tinangkang ligawan ni Donny Pangilinan si Kathryn Bernardo makaraang makipaghiwalay ang aktres sa boyfriend nitong si Daniel Padilla.


Ito ang natalakay nina Ogie at Mama Loi sa latest episode ng kanilang “Showbiz Update” vlog.


Ogie: May trivia ako kay Kathryn. Eto na, how true? Patanong na lang, kasi baka naman i-deny tayo. How true na minsan pala e pinormahan nitong isang young sctor si Kathryn? As in niligawan. ‘Di ba dati na-viral pa yun, ‘yung inaalok pa si Kathryn ng softdrinks Baka nakainom si Kathryn, pampababa ng tama or something?


Mama Loi: Ay may naalala akong ganoong eksena? Yan ba ‘yung lalake na ang initials kapangalan ng ex ni Kathryn?


Ogie: Alam mo, hindi mo talaga mabibili ang pag-ibig. O basta ‘yun lang ‘yung nakarating sa akin. Ngayon, na kay Donny, ano ba ‘yan. Hahaha. Nasa kanya na ‘yun kung gusto niyang aminin ‘yan na minsan pinormahan niya si Kathryn or niligawan niya si Kathryn kaya lang naudlot. Yung rason kung bakit naudlot, yun ang hindi ko alam. Baka nai-stop lang talaga kasi nga, wala namang magandang patutunguhan. At saka, siyempre, yung ka-love team, baka mag-react naman ‘yung mga fans.


Mama Loi: E bakit hindi mo pa binanggit ng diretso ‘yung pangalan?


Ogie: E mga maldita kayo e, nangunguna kayo e. Paano ko pa mababanggit si Donny? Na kay Donny naman ‘yun kung aaminin niya o hindi. E kung idi-deny niya ‘yun e wala din namang problema. Baka nga hindi totoo ‘yung source ko.


Mama Loi: Baka friendly nga lang talaga si Donny.


Ogie: Nakakaloka.