State funeral para kay FVR sa Abril 9, kasado na

KASADO na ang isasagawang state funeral para kay yumaong dating Pangulong Fidel Ramos sa Martes, Agosto 9, 2022.

Nakatakdang dalhin sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City ang mga labi ni Ramos alas-10 ng umaga mula sa Heritage Park sa Taguig City ng may full military honors.

Sa Libingan ng mga Bayani, muling bibigyan si Ramos ng full military honors.

Magsasagawa ng prusisyon patungo sa paghihimlayan ni Ramos.