Rosmar kumikita ng P5M a day; ‘Mahina pa po iyon’

NAKAANTABAY na ngayon ang Bureau of Internal Revenue sa social media influencer/vlogger na si Rosmar o Rosemarie “Rosmar” Peñamora Tan, matapos ibida nito na kumikita siya ng P5 milyon kada araw sa kanyang pagiging online celebrity bukod sa pagiging negosyante.

Sa panayam ni Toni Gonzaga sa kanyang show na Toni Talks kay Rosmar, natanong ang huli kung magkano ang kanyang kinikita sa pagiging influencer.

Ayon kay Rosmar, noong kasagsagan ng kanyang mga programa pumapalo sa hanggang P13 milyon kada araw ang kanyang kita.

“Kumikita ka raw ng P5M a day, may ganon? tanong ni Toni.

“Yun po yung medyo mahina na ako nun…nung time na sobrang sobra ang kasagsagan ko, pumapalo po ng P10 to P13 million,” sabi ni Rosmar.

Itsinika rin nito na iba’t ibang luxury cars meron siya gaya ng Ferrari, Lamborghini, GTR, Porsche, at binili niya ang mga ito ng cash.