Rendon nag-sorry kay Michael V, Vice, Ion

HUMINGI ng tawad ang motivational speaker na si Rendon Labador sa mga personalidad na nasaktan niya.

Sa panayam ni Ogie Diaz, sinabi ni Rendon na pinagsisisihan niya ang mga masasakit na salitang ibinato kina Vice Ganda, Ion Perez at Michael V.

“Im trying to be perfect. Ngayon naman nakikinig na ako. Marami akong opportunities. Marami naman akong nasaktan din naman talaga. Yun din naman yung regret ko talaga. I’m trying to be better,” pahayag niya.

“So, kung nasaktan ko man kayo– kay Vice, Ion, lahat ng artista, Michael V.– I’m apologizing. Wala akong masamang intensyon sa inyo, Hindi ko kayo dini-discredit. I’m thankful sa mga nagawa ninyo. Ang gusto ko lang matulungan, magising. Sana makasama ko kayo sa pagbago ng Pilipinas,” sabi ni Rendon.