Lala Sotto keber sa bash, di magre-resign

HINDI umubra kay Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chair Lala Sotto ang mga panawagang magbitiw na siya.

Hirit niya sa mga kritiko: “I’m not going to satisfy the whims of my detractors.”

Bago ito nag-trending sa X nitong Huwebes ang #LalaResign makaraang ibasura ng MTRCB ang apela ng “It’s Showtime” kaugnay sa ipinataw na 12 araw na suspensyon dito.

Sagot naman ni Lala sa panawagan, ginagawa lamang niya ang trabaho bilang MTRCB chair kaya walang dahilan para siya mag-resign.