Pusa pinaghahataw ng 3 kelot, tigok

DUGUAN at wala ng buhay ang isang pusa nang matagpuan ng may-ari sa Dinalupihan, Bataan kamakailan.

Hinala ng may-ari, pinagpapalo ng baseball bat at golf club ang kanyang alaga hanggang sa mamatay.

Nang busisiin ang CCTV sa lugar, nakita ang tatlong kalalakihan na nagkukumpulan sa kalsada. 

Kinalaunan, nakita ang mga ito na may dala-dala nang net at mga pamalo.

Sa net ay makikita ang isang patay na pusa.

Bago ito, hinanap ng may-ari ang kanyang alagang pusa na nakawala sa kanilang bahay.

Makaraan ang ilang oras ay pinuntahan siya ng kapitbahay at sinabihan na may nahuling pusa sa lugar.

Nang puntahan, patay na ang pusa.

Napag-alaman na inireklamo na sa barangay ang nasabing hayop dahil nangagat umano ito.

Nahaharap naman sa kaso ang mga suspek.