Presyo ng langis may rollback uli

MAY bawas presyo ulit sa produktong petrolyo sa Martes kung saan aabot ng P1.50 hanggang P1.80 ang ibababa sa kada litro ng gasolina.

Samantala, bababa naman ang presyo ng diesel mula P1.20 hanggang P1.50 kada litro at P1.10 hanggang P1.40 kada litro naman sa kerosene.

Ngayong linggo, bumaba ng P1.40 kada litro ang presyo ng gasolina, 70 sentimo kada litro sa diesel at 20 sentimo kada litro sa kerosene.