Patay kay ‘Odette’ umabot na sa 367

UMABOT na sa 367 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Odette, ayon sa rekord ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Sabado, Disyembre 25.

Gayunman, sinabi ng NDRRMC, 44 pa lamang ang kumpirmado at ang 323 ay for validation pa.

Umabot naman sa 51 ang bilang ng mga nawawala habang 659 ang nasugatan sa pananalasa ng bagyo na tumama sa maraming bahagi ng Visayas at Mindanao, isang linggo bago ang Pasko.

Sa rekord pa ng NDRRMC, umabot na sa mahigit 3.5 milyong katao mula sa 11 rehiyon ang apektado ng bagyo na itinuturing na pinakamalakas na tumama sa bansa ngayong taon.

May 150 bayan at syudad and nagpasko na wala pa ring ilaw.