Paslit nilapa, tinangay ng buwaya

PINAGHAHANAP pa ng otoridad ang 10-taong-gulang na batang lalaki na nilapa at tinangay ng buwaya sa Canipaan River sa Rizal, Palawan nitong Linggo.

Ayon sa ulat, nangingisda alas-5 ng hapon ang biktima, residente ng Brgy. Canipaan, kasama ang mga kapitbahay nang kagatin at tangayin ito ng buwaya.

Agad na humingi ng tulong ang mga saksi kaya mabilis na nakaresponde ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Tumutulong din sa search and retrieval operation ang Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC).

Base sa isang pag-aaral noong 2018, mayroong 33 buwaya na naninirahan sa nasabing ilog.