Sarili aksidenteng nabaril, napatay ng police chief

NASAWI ang hepe ng pulis Pilar, Bataan makaraan umano nitong aksidenteng mabaril ang sarili Lunes ng madaling araw.

Ayon kay Col. Romell Velasco, Bataan police director, namatay si Maj. Rizaldy Rubio habang dinadala sa Orani District Hospital. Nagtamo ito ng tama ng bala sa tiyan.

Napag-alaman na alas-4 ng umaga nang makarinig ng putok ng baril ang asawa ni Rubio mula sa silid ng huli.

Nang tingnan ay nakita nito na duguan na ang tiyan ng mister.

Iniimbestigahan pa ang insidente, ani Velasco.