Pagkamatay ni Ronaldo Valdez iniimbestigahan ng pulisya

PATULOY ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pagkamatay ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.

Sa isang statement, sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) na inaalam pa nito ang sanhi ng pagkamatay ng ama ng singer na si Janno Gibbs.

Natagpuan ang bangkay ng aktor sa loob ng kanyang silid na may tama ng bala sa ulo habang sinasabing nakita pa ang baril sa kamay nito.

“As of today, QCPD is currently conducting a thorough investigation to ascertain the cause of the death of Mr. James Gibbs aka Ronaldo Valdez,” mababasa rito.

“We understand the importance of this matter; hence, we are working diligently to gather all relevant facts and evidence,” dagdag pa ng mga opisyal.