Programa ni Digong sa SMNI suspendido

SINUSPINDE ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang dalawang programa ng SMNI, kabilang na “Gikan sa Masa, Para sa Masa” ni dating Pangulong Duterte, matapos ang imbestigasyon na isinagawa hinggil sa diumano’y death threats, malapastangang pananalita at pagiging fake news ng mga shows.

Suspendido rin ang programang “Laban Kasama ang Bayan” ng anti-communist commentators na sina Lorraine Badoy at Jeffrey Celiz.

Epektibo ang suspensyon simula noong Lunes, Disyembre 18, 2023, ayon sa memorandum na inilabas ng MTRCB.