Kontribusyon sa Pag-IBIG, P200 na kada buwan simula Pebrero

MULA sa kasalukuyang P100, tataas na sa P200 ang buwanang kontribusyon sa Home Development Mutual Fund or Pag-IBIG Fund na magsisimula sa susunod na buwan.

Ibig sabihin, P200 ang magiging kontribusyon ng empleyado habang P200 din ang magiging ambag ng kanyang employer.

Ang pagtaas ng monthly premium ay upang masiguro na kayang i-sustain ng ahensiya ang mga pangangailangan ng mga miyembro ng Pag-IBIG.

“Kung bakit po nag-increase po, para po ma-sustain ‘yong pangangailangan ng Pag-IBIG members so ‘yon naman pong for regular contributions na pag-iincrease, makikinabang pa rin naman po ‘yong mga Pag-IBIG members,” ayon sa kalatas.

Hindi naman dapat mangamba ang mga miyembro dahil sa ipon naman nila ito mapupunta.

“Kung marami pong savings ng isang Pag-IBIG member, malaki din po yung ma-eearn nila. So babalik at babalik pa rin po ‘yon sa Pag-IBIG member,” dagdag pa ng Pag-IBIG.