P2/L bawas presyo sa diesel sa Martes

MAY konting good news sa mga motorista ngayong papasok na linggo dahil sa may bagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Magpapatupad ng bawas-presyo ang mga kumpanya ng langis simula sa Martes kung saan aabot ng P1.20 hanggang P1.50 kada litro ang ibababa sa halaga ng gasolina.

Inaasahan din bababa ang presyo ng diesel mula P1.70 hanggang P2.00 kada litro.

Samantala, aabot naman mula P1.90 hanggang P2.20 ang rolbak kada litro sa presyo ng kersone. Ito’y sa harap naman ng pagbaba ng presyo ng krudo sa pandaigdigang kalakalan.