3-buwang sanggol todas sa salpukan

NASAWI ang tatlong-buwang gulang na bata habang sugatan ang mga magulang at kapatid nang mabangga ng bus ang sinasakyan nilang tricab sa Laguindingan, Misamis Oriental.

Nagtamo ng pinsala sa ulo at katawan ang baby na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.

Ginagamot pa sa ospital ang mga magulang at kapatid ng bata.

Kagagaling lang ng simbahan ang pamilya at pauwi na sakay ng tricab na minamaneho ng padre de pamilya nang banggain ng pampasaherong bus sa harap ng Laguindingan terminal sa national highway.

Sa tindi ng impact, nagtalsikan palabas ng sasakyan ang mag-anak.

Nadakip ang bus driver na si Frederick Manlangit, 41, makaraan ang insidente.