Juancho nag-sorry sa kaibigang

BINIGYAN ng sorry card ni Juancho Triviño ang kaibigang si Kiel Rodriguez dahil hindi niya ito naisali sa mga content kung saan kasama niya sina David Licauco at Mikoy Morales.


Sa Instagram, shinare ni Juancho ang ginawa niyang sorry card sa nagtatampong si Kiel.


Magkasama at madalas magkaeksena sina Juancho at Kiel sa Kapuso teleserye na “Maria Clara at Ibarra.”


Ani Juancho sa card: “Dearest Renato, Ikaw lang ang kalbo ng buhay ko, ‘wag ka mag-alala, hindi ko tunay na tropa si David, dahil siya ay Chinoy at ayaw nila sa akin. Kasama pa din kita sa mga content ko.”


Iplinaster pa ni Juancho sa card ang larawan nila ni Kiel sa “Maria Clara at Ibarra” kung saan gumanap sila bilang Padre Salvi at Renato.


Hindi naman naibsan ang tampo ni Kiel sa card na ibinigay ni Juancho.


“Walang dating. Sumama ka sa David mo. Dun ka kay Mikoy,” sambit ni Kiel.


Muling magkakatrabaho ang dalawa sa ipalalabas na teleseryeng “Widow’s War” ng GMA.