Nairehistrong SIM umabot pa lang sa 82M

SINABI ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan Uy na umabot lamang sa 82 milyon SIM cards na naiparehistro hanggang nitong Martes (Abril 25, 2023).

Idinagdag ni Uy na inaasahang aabot pa sa 15 hanggang 20 milyong SIM cards ang mairerehistro matapos itong palawigin ng 90 araw. Tatagal ang SIM registration hanggang Hulyo 25, 2023.

Idinagdag ni Uy na unti-unting tatanggalin ang serbisyo ng mga hindi pa nagpaparehistro.