Nairehistrong SIM umabot na sa 21-M

SINABI ng Department of Information and Technology (DICT) na umabot na sa mahigit 21 milyong cellphone user ang nakapagparehistro ng kanilang Subscriber Identity Module (SIM) SIM.

Sa datos ng DICT, may kabuuang 21,128,925 SIM ang rehistrado na o 13 porsiyento ng kabuuang 168,977,773 million subscribers sa buong bansa.

Idinagdag ng DICT na kabilang dito ang 10.4 milyong SIM ng SMART, 8.96 milyon ng Globe at 1.8 milyon DITO Telecommunity.

Itinakda sa Abril 2023 ang huling araw ng pagpapehistro ng SIM.