March 11 holiday: Walang ganon

HINDI holiday sa Lunes, March 11.

Ito ang paglilinaw ng Malacanang matapos kumalat ang fake news na idineklara umano ng Malacanang na national regular holiday sa Lunes.

Sa Official Gazette na inisyu nitong Huwebes, itinanggi nito ang balita na holiday at walang pasok ang March 11, 2024, para sa paggunita ng Eid’l Fitr.

Sa statement sinasabi nito: “Proclamation No. 729” circulating online is “spurious.”

Tampered version umano ito ng orihinal na proklamasyon na inisyu noong 2019.