Janus tumalak sa pag-ere ‘It’s Showtime’ sa GMA: ‘Kala ko ba walang lipatan ever?’

PINUNA ng dating child star na si Janus Del Prado ang pag-ere ng ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime” sa GMA-7.


Sa Instagram, binalikan ni Janus ang mga taong bumatikos sa mga artista ng Dos na lumipat sa Kapuso network.


“Yung mga bumabatikos sa mga lumipat dati, naglipatan na din ngayon lol. Kala ko ba hindi loyal ang mga lumilipat? #hypocrites,” aniya. “Kala ko ba walang lipatan ever?”


Ayon kay Janus, dapat ay hindi nagsalita nang tapos ang mga “loyal” sa Kapamilya network.


“At the end of the day lumipat pa din sila ng Station. Kinailangan pa rin nila yung tulong ng Station ng mga artista na binabash nila dati (lalo na yung mga lumipat) para magkaroon ng mas malaking platform. Lesson. Wag magsalita ng tapos. Bilog ang mundo,” saad niya sa kanyang caption.


Kaibigan ni Janus si Bea Alonzo, isa sa mga dating artista ng ABS-CBN na ngayon ay contract star ng GMA.