Daniel, Joshua nakisaya sa Ria-Zanjoe wedding

KABILANG sina Daniel Padilla at Joshua Garcia sa mga celebrities na spotted sa kasal nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde nitong Sabado.


Sa isa sa mga videos na ipinost ng kapatid ni Zanjoe na si Zanie, makikita sina Daniel at Joshua na nagdu-duet sa kantang “Jopay” ng Mayonnaise.


Nakaakbay si Joshua kay Daniel na may hawak namang baso ng alak.


Dahil dito ay natuldukan nang tuluyan ang isyu na may di-pagkakasunduan ang dalawa matapos umanong punahin ni Joshua si Daniel sa naging trato ng huli sa ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.


Kapwa kaibigan ni Joshua sina DJ at Kath.


Sa isa pang video, hawak ni Joshua ang mikropono habang inaawit ni Zanjoe ang kaparehong kanta.