Ria, Zanjoe kasal na

IKINASAL nitong weekend ang celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo sa civil wedding na pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.


Naganap ang kasal alas-3 ng hapon nitong Sabado. Tanging mga pamilya at malalapit na kaibigan ang sumaksi sa pag-iisang dibdib.


Ipinost ni Zanjoe sa Instagram ang ilang larawan na kuha sa kasal. Binati niya si Ria sa kaarawan nito na tinawag niyang “my wife.”


Naganap ang kasal mahigit isang buwan makaraang ianunsyo ng dalawa ang kanilang engagement.
Matatandaang inamin ni Zanjoe na sila na ni Ria noong January 2023.