Dagdag P4/L sa presyo ng diesel nakaamba

PANIBAGONG big-time oil price hike ang nakaamba sa mga motorista ngayong Martes.

Tataas ng P4 kada litro ang presyo ng diesel, ayon sa mga oil companies na Caltex, Cleanfuel, PTT, Seaoil at Shell habang 50 sentimo naman ang itataas sa presyo ng gasolina.

Asahan din na tataas naman sa P2.75 kada litro ang presyo ng kerosene at gaas sa Caltex, Seaoil at Shell, na inaasahang susundan din ng iba pang oil players.

Ito ang ika-apat na linggo ng sunod-sunod na oil price hike.