Sharon tinuluyan si Cristy

INIREKLAMO ni Sharon Cuneta ng cyber libel ang veteran showbiz columnist at host na si Cristy Fermin sa Makati Prosecutor’s Office ngayong Biyernes.

Kasama ni Sharon ang asawa na si dating senador Kiko Pangilinan sa pagsampa ng  reklamo.

Hindi naman idinetalye ni Sharon ang kaso laban kay Cristy.

Nitong nakaraang araw lang ay pinakiusapan si Cristy ng panganay ni Sharon na si KC Concepcion na huwag na niyang pag-usapan ang hindi nila pagkakaunawaan na mag-ina.

Matatandaan na kamakailan lang ay naghain ng kaparehong reklamo ang aktres na si Bea Alonzo laban sa showbiz columnist.