‘Prayer rally ni Duterte puro pambabastos, paninira’

KABALINTUAN na tawaging prayer rally ang mga pagtitipon na pinangungunahan ni dating pangulong Rodrigo Duterte at mga kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon kay House Deputy Majority Leader at Isabela Rep. Inno Dy.

Ani Dy, hindi panalangin at ukol sa kapayapaan ang mensahe ng mga rally

kundi paninira at pambabastos.

“The fact that they are calling it a peace rally is a bit ironic. It’s not all about peace. Puro paninira ang nangyayari, puro pambabastos pa, puro paninira sa ating current administration but they’re not even offering any other solutions to what they’re saying or the problems,” sambit ng mambabatas.

“Nakakalungkot na ganito ‘yung sitwasyon nila ano, na patuloy pa rin hanggang ngayon na sinusubukan nilang siraan ang ating Pangulo pero hindi naman po matitibag basta-basta ang popularidad, ang support ng ating mga kababayan sa ating mahal na Pangulo,” dagdag niya.