BBM kay Digong: Hindi ako naglalamyerda

ITINANGGI ni Pangulong Marcos ang paratang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pasyal ang inaatupag niya paglabas ng bansa.

Giit ni Marcos, sa sobrang higpit ng kanyang schedule sa tatlong-araw na pagbisita sa Germany ay wala na siyang oras na gumala.

“This is my schedule. Where’s the time for leisure? It’s my schedule for today. Where’s the ‘pasyal’? None,” aniya habang ipinakikita sa mga reporter ang kopya ng kanyang schedule.

“We don’t make pasyal. Even in the places that I know, where I have spent a lot of time with, hindi ho, hindi ko na napupuntahan ‘yung mga dati kong pinupuntahan,” giit ng Pangulo.

Nitong Martes ay pinuna ni Duterte ang mga pagbiyahe-biyahe ni Marcos sa ginanap na rally ng mga tagasuporta ni Pastor Apollo Quiboloy sa Liwasang Bonifacio.

“Alam mo, alam mo si Marcos pasyal pasyal na lang ‘yan,” pahayag ng dating pangulo sa kanyang talumpati.