Bagets sinuwag ng truck, tumilapon

SUGATAN ang limang-taong-gulang na batang nang mabangga ng pickup truck sa Valencia, Bukidnon nitong Lunes.


Agad na tumakas ang driver ng sasakyan matapos ang aksidente. Tinutugis na ito ng pulisya.


Nasa maayos na kalagayan na ang bata na nagtamo ng mga sugat at bali sa katawan.


Ayon sa pulisya, tumatawid ang batang lalaki sa national highway nang mahagip ito ng pickup truck.


Sa lakas ng impact, tumilapon nang ilang metro ang biktima.


Duguang itinakbo ang bata sa ospital ng kanyang ina.


Nagpapasalamat ang ina dahil hindi nakaligtas ang anak pero nananawagan ito sa driver na sumuko para sagutin ang pagpapaospital ng bata.


Ayon sa kanya ko, wala sila kahit pambili ng gamot.