‘Eat Bulaga’ taob sa ‘It’s Showtime’

NILAMPASO ng “It’s Showtime” sa ratings game ang “Eat Bulaga” sa “battle of the noontime shows” noong Sabado, April 6.


Nakapagtala ng 9.6% agrregated ratings mula sa AGB Neilsen NUTAM ang unang pag-ere ng noontime show ng ABS-CBN sa GMA 7 kumpara sa 4.4 ng Eat Bulaga.


Nasa 524,294 ang peak concurrent views ng show ni Vice Ganda habang nasa 144,000+ lang ang programa ng TVJ.


Samantala, ang ads na ipinalabas sa buong pagtatanghal ng “It’s Showtime” ay umabot sa 159 kumpara sa 85 ng kalabang show.


Nagbunyi naman ang mga madlang pipol sa balita:
“Wala na Eat Bulaga kita naman sa mga galaw nila hindi na masaya si Jose wally nalang nagdala at nagbuhat ng show
tsaka mga segments nila medyo hindi na updated.”
“Hahaha wala daw makakatalo sabi ng mga Bulaga fans hahahaha.”
“Showtime di boring ..the best p rn cla.”
“Panalong panalo san ka pa?!!!”
“Pinakain ng alikabok ah.”