Babae sa duyan nabagsakan ng bato, todas

NASAWI ang isang babae matapos itong mabagsakan ng bato na tinitibag ng kanyang live-in partner sa bundok sa Atimonan, Quezon kamakailan.


Ayon sa ulat, sinabihan ng construction helper ang hindi pinangalang babae na umalis sa site sa Brgy. Sokol dahil magsasagawa ng operation ang mga kawani.


Dahil inakalang nakaalis na ang babae ay sinimulan ng kanyang live-in partner na backhoe operator ang pagtibag sa bato.


Isang malaking tipak ang nahulog patungo sa biktima na nagresulta sa matitinding pinsala sa katawan nito
Naisugod pa ang biktima sa ospital pero kalaunan ay binawian ito ng buhay.