Gender reveal ni Yasmien binura sa FB, IG dahil sa bullying, harassment

NAIMBYERNA si Yasmien Kurdi sa mga netizen na nag-report sa kanyang post ukol sa gender reveal ng ipinagbubuntis niya kaya tinanggal ito sa Facebook at Instagram.


“Just last night we posted a video of our mini GENDER REVEAL and to our surpri

se this was taken down today both on fb and IG due to bullying and harassment,” ani Yasmien sa IG.
“We get reported a lot for wholesome contents. Hindi ko maintindihan kung bakit offensive na ang ganitong mga bagay ngayon, at ang kalaswaan tulad ng paghuhubad at pagmumura etc ay tanggap na tanggap,” dagdag niya.


Inilakip ni Yasmien ang screen shot ng warning ng FB na sinabing “Page has some issues,” at “You shared a post as the Page that went against our rules on harassment and bullying.” Nakasulat rito na may nag-report sa video niya kaya inalis.


Pakiusap ng Kapuso actress sa netizens:
“Ang i-report niyo po ay ang mga malalaswang contents, huwag po ‘yung wholesome contents. Isipin po natin ang mga anak at magiging anak natin. Anong klaseng mundo ba natin sila gustong palakihin?”