Andi napaiyak sa nakita sa phone ni Jaclyn

EMOSYONAL na ibinahagi sa publiko ni Andi Eigenmann na ang pagbabakasyon ng kanyang pamilya sa La Union ang huling video na pinanood sa YouTube ng ina niyang si Jaclyn Jose bago ito sumakabilang-buhay.


Sa kanyang latest “Happy Islanders” vlog, sinabi ni Andi na nang buksan niya ang naiwang cellphone ng ina ay ang video ng pagse-surf niya ang bumungad sa kanya.


“When I was able to check her phone, I saw, we saw, that in her YouTube, the last video she watched was our last ‘Happy Islanders’ video,” kuwento niya.


Ayon kay Andi, sinimulan niya ang pagba-vlog ng kanyang buhay sa Siargao para sa ina.


“You know she has always been the biggest ‘Happy Islanders’ fan and the whole purpose of me creating a vlog was also because being away from my family and having ‘Happy Islanders’ was the best way for me to keep her updated with my life here. So, she’s been my biggest fan of everthing that I do. And she loved watching ‘Happy Islanders’ all the time,” sambit niya.


Inamin ni Andi na nahihirapan pa rin siyang maka-cope sa pagkawala ng kanyang nanay.


“I have been going through a difficult time in my life lately. My nanay, she passed away and things have not been easy,” aniya.


Sa kabila nito, sinabi ni Andi na magpopokus siya nang husto sa kanyang asawang si Philmar Alipayo at kanilang tatlong anak.


“Although things have not been easy I’d like to focus on spending time with my family and focusing on the good things, on what’s there and making the most of our time together because losing my Nanay at such an unexpected time is proof that you don’t know what tomorrow brings,” wika ng aktres.