45% ng Pinoy ayaw ng Cha-cha

SINABI ng Pulse Asia na 45 porsiyento ng mga Pinoy ang tutol pa rin sa mga hakbang para maamyendahan ang 1987 Constitution.

Sa isinagawang survey ng Pulse Asia mula Marso 15 hanggang Marso 16, 41 porsiyento naman ang pabor sa pag-aamyenda sa Saligang Batas. Samantala, 79 porsiyento naman ang umamin na limitado lamang ang alam nila sa Konstitusyon.