E-bike na-overcharged, pamilya sa Pangasinan patay sa sunog

BUONG pamilya mula sa Pozorrubio, Pangasinan ang nasawi nitong Lunes matapos masunog ang kanilang bahay bunsod nang na-overcharged na electric bike na naiwang nakasaksak sa kuryente.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, naiwang nakasaksak sa kuryente ang e-bike sa ground floor ng bahay ng pamilya, hanggang sa masunog ito at umabot sa attic ng bahay.

Sampu umano ang naninirahan sa bahay. Naisalba pa ni Mark Villanueva ang limang kapamilya na nasa ground floor, at nang subukan nitong iligtas ang kanyang misis na si Dexie at kanilang tatlong anak, na may edad 6, 2 at 1, ay hindi sila nakalabas.