433 maghahati sa P236M jackpot ng 6/55 Grand Lotto

MAGHAHATI-HATI ang 433 bettors sa P236,091,188.40 jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto na binola nitong Sabado ng gabi.

Sa report ng Philippine Charity Sweepstakes Office, 433 umano sa mga tumaya ay napuruhan ang winning combination na 09-45-36-27-18-54.

Dahil dito, inaasahan na kokolekta ang bawat winner ay P545,245.24.

Bukod dito, may 331 bettors din ang nakakuha ng limang tamang numero at 2,491 o nakakuha ng apat na tamang numero.