Imposible? Publiko nawindang sa resulta ng 6/55 Grand Lotto

NANGANGAMOY anomalya, ayon sa netizens, ang panalo ng 433 bettors sa 6/55 Grand Lotto draw na may jackpot prize na P236 milyon nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa ilan, “napakaimposible” na masungkit ng daan-daang mananaya ang winning combination na 9, 45, 36, 27, 18, at 54.

Dahil sa pangyayari, nasa mahigit P545,000 lang ang matatanggap ng bawat isa sa mga lucky bettors.

“Imposible 433 winners halos nga walang manalo taga buwan ito pa kaya isang araw 433 winners. Jusko marimar.”

“Nako parang may kababalaghan na nangyayari sa PCSO ah.oi!! Taga senado paimbistigahan nga? Parang linuloko lang nila ang mga tayador nito ah.”

“Grabe naman pcso wag pahalata…. Mataas pa ata chance mag champion ang gilas sa Olympic kaysa manalo ng ganyan karami sa grand lotto.”

“Mahirap paniwalaan ang mga nanalong 6/55. 433 ang nnalong tao kalokuhan yan.”

“What is the probability of this happening ?? Rigged! Guinness World Record.”

“Dapat paimbestigahan natong PCSO. Nakakaduda talaga resulta.. talagang may corruption at dayahan na nangyayari..kaya nga gusto ni Digong paimbestigahan yan noon dahil sa anomalya..Sa pilipinas lang nabgyari tong 433 winners. Nloloko na tau ng pcso.”

“Lotto kna talaga lutong luto na yong imposible naging posible.”

“Scam yn mga pcso of.officials lang nanalo. Dapat imbestigahan ng senado. Mabuhay sana kayo ng matagal mga demonyo mangloloko.”

“Anong kalokohan nnman yan PCSO. HAHAHAHAHHAHA. di nyo man lng ginawang random ang results para di obvious pagnanakaw nyo hahahah. Divisible by 9 lahat ah. 9×1 hanggang 9×6 ang result. Hahaha.”