2 pugante todas sa ambush

DALAWANG pugante mula Southern Leyte Provincial Jail (SLPJ) ang napatay habang isa ang sugatan nang tambangan nitong Miyerkules.


Ayon sa ulat, naganap ang insidente wala pang apat na oras makaraan nilang umeskapo sa kulungan sa Maasin City.


Sakay ng isang motor sina Melchor Maceda, 40; Paul John Seguerra at Claudio Montilla, 33, nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Asuncion alas-2:55 ng umaga.


Dead on the spot sina Maceda at Seguerra habang sugatan si Montilla at naitakbo sa pagamutan sa nasabing siyudad.


May kasong murder sina Maceda at Montilla habang nakakulong si Seguerra sa kasong may kaugnayan sa droga.


Napag-alaman na nakatakas sa kulungan ang tatlo makaraang akyatin ang bakod alas-11 ng gabi ng Martes. Nagtungo ang tatlo sa bayan ng Macrohon para bisitahin ang kaanak.


Pabalik na ang tatlo sa Maasin nang tambangan sila ng mga hindi pa nakikilalang suspek.


Nakuha sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng kalibre .45 caliber pistola.


Naniniwala ang pulisya na vendetta ang motibo sa pananambang.