100 iPhones natangay ng kawatan

NASA 100 units ng iPhone ang natangay ng apat na lalaki na nanloob sa isang gadget store sa Pila, Laguna nitong Miyerkules, iniulat ng pulisya.


Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pinasok ng mga kawatan ang tindahan sa Brgy. Bulilan Norte Pila bago nagdeklara ng holdap.


Tumakas ang apat sakay ng dalawang motorsiklo matapos limasin ang tindahan.


Inilarawan ang isa sa mga suspek na nakasuot ng itim na long-sleeves na may nakasulat na ‘Team Katagumpay” habang ang isa pa ay naka-jacket na kulay itim at pink.