1,245 arestado sa e-sabong mula Hulyo

UMABOT na sa 1,245 katao ang kabuuang bilang ng mga naarestong indibidwal dahil sa e-sabong o online cockfighting games mula Hulyo 1 hanggang Agosto 15, ayon sa PNP.

Sa kalatas, sinabi ng PNP na 322 na ang na-convict habang 808 naman ang kasulukuyang dinidinig na sa mga korte habang 437 ang nasa prosecutors pa lamang.

“The extensive crackdown on e-sabong illegal gambling underscores our unwavering commitment to the rule of law,” ayon sa hepe ng PNP na si General Benjamin Acorda Jr.

“The significant number of arrests demonstrates that the PNP remains steadfast in maintaining peace and order in our communities.”

Nangako rin ang opisyal na lalo pa nitong paiigtingin ang kampanya laban sa e-sabong.