70-year-old babaeng Indian nanganak

NAGSILANG si Jivunben Rabari ng kanyang unak sanggol via Caesarean section noong isang buwan at winelcome nila ito ng kanyang 75-anyos na mister na si Valjibhai Rabari.

Pinangalanan nila ang kanilang sanggol na lalaki na Lalo.

Mahigit 45 taon nang mag-asawa sina Jivunben at Valjibhai ngunit hindi pinalad na magkaanak.

Sinubukan nila ang Vitro Fertilization at kinausap ang kanilang doktor na si Naresh Bhanushali tungkol dito, ayon sa report ng The National.

“Her blood pressure was high and we had to deliver the child via C-section in the eighth month of the gestation period,” ayon kay Bhanushali.

“We had a team of doctors including a cardiologist, a physician on standby … anything could have gone wrong because of her age but she was fine and gave birth to a healthy baby.”

Ang may hawak ng korona na siyang pinakamatandang nanganak ay si Maria del Carmen Bousada Lara ng Spain. Siya ay 66-anyos nang manganak sa kambal via C-section.