Digong ibinuko si Bato: Ex-cop nininerbyo sa ICC

IBINUKING ni Pangulong Duterte na nininerbyos si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa ginagawang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng gera ng gobyerno laban sa droga.

“Eh si Bato nanerbiyos kasi kasali siya doon sa tokhang niya. Sabi ko huwag kang mag-alala. If there is any person who is going to prison, it would be me,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati.

Idinagdag ni Duterte na pinayuhan din niya si dela Rosa na manahimik na lamang.

“Ako ang magpakulong sa lahat. I — sinabi ko na noon eh — I assume full responsibility. Kaya sabi ko kay Bato, ‘huwag ka mag-ano. Keep quiet there and just…’ Ako, ituro mo ako, ‘si Duterte ang nag-utos,” ayon pa kay Duterte.