Elon Musk nagpa-Twitter poll kung dapat ibalik si Trump

NAGPA-Twitter poll si Elon Musk kung dapat nga bang payagan na si dating US President Donald Trump na tuluyang makabalik sa nasabing social media platform.

“Reinstate former President Trump,” tweet ni Musk na as of posting time ay may 4.4 milyon mahigit na impression.

Lamang ang boto na dapat ibalik si Trump na nakakuha ng 55 percent ng boto habang 44 percent naman ang hindi.

Matatandaan na permanenteng sinuspinde ang account ni Trump, na may 88.8 milyong followers, noong Enero 2021 matapos ang kanyang naging papel sa US capitol riot noong Enero 6.