Pangasinan inuga ng magnitude 4.8 na lindol

INUGA ng magnitude 4.8 na lindol ang Pangasinan kaninang alas-10:18 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lindol, na may lalim na isang kilometro, 89 kilometro katimugan ng Agno, Pangasinan.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Bani at Bolinao, Pangasinan

Idinagdag ni Phivolcs na wala naman itong inaasahang pinsala o aftershock.