Cheating ugat ng hiwalayang Zeinab, Skusta Clee

INAMIN ni Zeinab Harake na cheating ang dahilan ng hiwalayan nila ng ex-partner na si Skusta Clee.

“Cheating po talaga, confirmed ‘yun. Like inamin niya sa harap ng magulang ko. sa harap ko,” chika ni Zeinab kay Boy Abunda.

Bagama’t nahuli na niya noon ang panloloko ni Skusta ay hindi niya pa rin ito agad hiniwalayan ni Zeinab 

“Maraming beses po e. As in sobrang dami… Nagtiis pa ako ‘nun. May one day na parang ayaw ko na, hindi ko na kaya… hindi ko na talaga kayang magtiis,” aniya.

Ibinahagi rin niya na ang anak niyang si Bia ang nagbibigay lakas sa kanya.

“Totoo ‘yung kasabihan na kapag pagod na pagod ka na, iyak ka na nang iyak pero ‘pag tiningnan mo ‘yung mga baby mo parang, kaya ko… kaya ko!” sey pa ng vlogger.