Patay kay ‘Paeng’ umabot na sa 110

UMABOT na sa 110 ang bilang ng mga nasawi sa bagyong Paeng, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes.

Gayunman, 79 pa lang ang kumpirmado habang patuloy na beniberipika ang 31 iba pa.

Karamihan sa mga naitalang nasawi ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na nakapagtala ng 59.

Samantala, umabot na rin sa 63 ang bilang ng mga nasugatan habang 23 ang naiulat na hanggang ngayon ay nawawala pa.

Umabot naman na sa P1.3 bilyon ang nasira sa agrikultura habang P760 milyon naman sa infrastructure.

Nakalabas na sa Philippine Area of Resposibility si Paeng nitong Lunes.