Si Xian Gaza nga ba ang nakapagpasara ng resort sa Chocolate Hills?

ISINAPUBLIKO ng social media personality na si Xian Gaza na ipinag-utos na ni Bohol Gov. Erico Aris Aumentado ang pagpapasara sa resort sa gitna ng Chocolate Hills.

Ani Xian, inilahad sa kanya ni Aumentado na mag-iisyu na ng cease and desist order ang Department of Environment and Natural Resources Region 7 laban sa may-ari ng resort.

Bago ito ay kinalampag ni Xian ang gobernador upang ireklamo ang masakit-sa-mata na tanawin sa Chocolate Hills bunsod ng itinayong resort doon.

“Governor Erico Aris Aumentado, baka pwede pong ipasara mo yung resort sa gitna ng Chocolate Hills? Ako lang po yung may lakas ng loob na mag-tag sayo kaya ginawa ko na. Sana po dinggin niyo kami,” ani Xian.