GF ni Jovit ginagamit ng scammer

NAGPUPUYOS sa galit si Camille Ann Miguel, ang girlfriend ng namayapang singer na si Jovit Baldivino, makaraang madiskubre na ginagamit ng isang poser ang pangalan niya para humingi ng abuloy sa publiko.

Ibinahagi ni Camille ang screen shot ng dalawang post ng scammer na kinopya ang kanyang Facebook account at nanghihingi ng abuloy.

Mababasa sa post ng poser: “Sa mga gustong magbigay ng kaunting tulong po pra kay Jovit at sa family nya pandagdag sa mga gastusin po mag message lamang po kayu sakin maraming salamat po. Respectpost.”

Itinanggi ni Camille na siya ang nanghihingi ng abuloy.

“KUNG SINO KA MANG DIMUNYO KA MAKUNSENSYA KA AT KUNG SAKALING ME MAGBIGAY SAYO GAMITIN MO SA MAGIGING BUROL MO!!!!! KARMA NA BHALA SAYO!!!!” aniya.