Gilas pasok sa basketball men’s finals ng Asian Games; China pinataob

PINATAOB ng Gilas Pilipinas ang China sa semifinals na laban ng dalawang koponan sa Asian Games nitong Miyerkules ng gabi.

Naitawid ng Gilas ang laban nito sa China sa iskor na 77-76.

Mula sa tambak na mahigit 20, naungusan ng Pilipinas ang China sa pinakahuling yugto ng laban para makapasok sa finals.

Matindi ang pinakitang laro ni Jna nagbigay sa Gilas ng 33 points na may limang rebound at apat na assist habang si Scottie Thompson naman ay nakapagsubi ng 13 points.