EJ Obiena sasabak sa World Athletics Championships

PASOK ang Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena sa World Athletics Championships na gagawin sa Eugene, Oregon, USA.

Ito ay matapos maitawid ni Obiena ang qualifying jump na 5.75 meters ngayong Sabado.

Labindalawang manlalaro mula sa iba’t ibang bansa ang magpapaligsahan sa Lunes ng umaga.

Ang 26-anyos na si Obiena ang kauna-unahang Filipino na pole vaulter na makasok sa world finals, at bukod tanging Asyano.

Ang Swedish at world record holder na si Mondo Duplantis ang inaasahang muling makaginto sa gagawing finals.