Dwight Ramos, Jordan Clarkson dinipensahan si Chot Reyes

NAGPAHAYAG ng pagsuporta ang Gilas Pilipinas players na sina Dwight Ramos at ang NBA star na si Jordan Clarkson para sa kanilang head coach na si Chot Reyes.

Ito ay matapos i-boo ng mga manonood sa MOA Sports Arena nitong Lunes ng gabi si Reyes habang ipinakikila ang koponan para sa laban nito sa Saudi Arabia sa Asian Qualifying game ng FIBA World Cup.

Tinambakan ng Gilas ang Saudi sa iskor na 84-46.

Ayon kay Ramos na siyang shooting at point guard ng team, bagamat natutuwa anya siya sa ipinakitang suporta ng publiko, hindi naman anya siya natuwa sa ginawang pag-boo sa kanilang coach.

“Thank you for coming out and supporting, but if you’re going to support us, I’ll appreciate you guys not booing our coach,” pahayag ni Ramos ng makapanayam ng media matapos ang laro.

Maging si Clarkson na siyang naging bida ng laro ay hindi rin natuwa sa pag-boo ng madla kay Reyes.

“I don’t really know what’s going on but from what I’ve seen in these last days, it’s kind of been some bulls**t. He’s our coach, he’s one of us, he works hard, he put all this together,” ayon kay Clarkson.