Xian, rumored GF naispatan sa Thailand

PERO bago pa ma-trigger ang fans ni Kim Chiu, trabaho at hindi bakasyon ang ipinunta ni Xian Lim, rumored girlfriend niyang si Iris Lee sa Bangkok.

Sa Instagram, ipinost ni Xian ang video at mga photos nila ni Iris, kasama ang iba pang film crew, na naglo-location hunt sa nasabing bansa.

“Location scout happeningz,” caption ni Xian sa post.

Bakit kasama si Iris? Siya lang naman umano ang producer ng next directorial project ni Xian sa Viva Films.

Nagkatrabaho na ang dalawa sa “Hello, Universe” kung saan direktor si Xian at producer si Iris.

Itinuturo ng maraming fans ng tambalang Xian at Kim Chiu si Iris bilang dahilan sa mabilis na pagmu-move on ng aktor sa breakup nito sa aktres at “It’s Showtime” host.